Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, nagsanggunian kamakailan sa Bangkok sina Wu Wenxue, Pangalawang Puno ng nasabing kawanihang Tsino, at Kobkarn Wattanavrangkul, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, tungkol sa mga temang gaya ng kooperasyong panturista ng dalawang bansa, at kaligtasan ng mga turistang Tsino sa Thailand. Upang ibayo pang mapalalim ang kooperasong panturista ng Tsina at Thailand, ipinasiya ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina na itatag ang tanggapang panturista sa Bangkok.
Ipinahayag ni Kobkarn Wattanavrangkul na ang Tsina ay pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista sa Thailand. Ito aniya ay nakakapagpatingkad ng mahalagang papel para sa paglaki ng kabuhayan, at pagdaragdag ng hanap-buhay ng Thailand.
Sinabi naman ni Wu na umaasa ang panig Tsino na walang humpay na mapapabuti ng panig Thai ang hakbanging panseguridad at mapapalakas ang pagsuperbisa at pamamahala sa kaayusan ng pamilihang panturista para maigarantiya ang seguridad ng mga turistang Tsino sa Thailand.
Salin: Li Feng