"Ang magkasamang pagtatatag ng Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo para sa mas mainam na kooperasyong pandagat sa hinaharap ay ang tema ng kasalukuyang China-ASEAN EXPO." Ito ang ipinahayag kahapon ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina sa Nanning, kabisera ng Guangxi Zhuang Autonomous Region, sa pakikipag-usap sa kanyang mga countertpart mula sa ilang bansang ASEAN na kinabibilangan ng Thailand, Myanmar at Laos. Sila ay dumalo sa ika-12 CAEXPO dito.
Ipinahayag ni Zhang na ang pagpapahigpit ng pagtutulungan sa karagatan sa pagitan ng Tsina at ASEAN ay hindi lamang nagsisilbing komong mithiin ng dalawang panig, kundi makakatulong din sa pagpapasulong ng kanilang relasyon sa mas mataas na antas.
Ang nasabing mga bisita ay kinabibilangan nina Pangalawang Punong Tanasak Patimapragorn ng Thailand, Pangalawang Punong Ministro Sai Mauk Kham ng Myanmar, at Pangalawang Punong Ministro Somsavat Lengsavat ng Laos.