Ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na kinondena ng panig Tsino ang teroristikong pagsalakay sa Peshawar, Pakistan. Ipinahayag aniya ng panig Tsino ang pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima.
Naganap kamakalawa ang teroristikong pagsalakay sa Peshawar, Pakistan na nagdulot ng malaking human casualty.
Ani Hong, kinakatigan ng panig Tsino ang buong tatag na pagbibigay-dagok ng Pakistan sa terorismo. Nananalig aniya siyang may kakayahan ang pamahalaan at tropa ng Pakistan sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng bansa.
Salin: Li Feng