Sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Ipinahayag dito kamakailan ni Zhang Yuzhong, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Pagpapasulong ng Pamumuhunan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang database ng impormasyon ng mga proyekto ng Tsina at ASEAN ay isang platapormang magkasamang itinatag ng mga organo ng pagpapasulong ng pamumuhunan ng Tsina at ASEAN. Makakatulong aniya ito sa pagbabahagi ng mga bahay-kalakal ng kapuwa panig ng impormasyon, at mas mainam na pagsasagawa ng bi-directional investment. Inimungkahi niyang ipadala ng mga organo ng pagpapasulong ng pamumuhunan ang espesyal na tauhan para makipaglagayan sa Sekretaryat ng China-ASEAN Expo (CAExpo), at regular o di-regular na i-update at ipalabas ang mga impormasyon ng proyekto.
Winika ito ni Zhang nang lumahok sa round-table meeting ng kooperasyon sa pamumuhunan ng ika-12 CAExpo. Sa naturang round-table meeting, nagpalitan ang iba't ibang kalahok na panig ng kuru-kuro hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyon ng port industry at logistics park, at pagpapasulong ng konstruksyon at pag-unlad ng maritime silk road. Ipinahayag ng maraming kalahok na dapat kumpletuhin ang pangmalayuang mekanismo ng pagpapasulong ng bi-directional investment, palakasin ang pagpapalitan ng impormasyon ng mga proyekto ng pamumuhunan at pag-akit ng pondo sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, at pasulungin ang pagtatamo ng kooperasyon sa pamumuhunan ng Tsina at ASEAN ng pragmatikong bunga.
Salin: Vera