12 taon na ang nakararaan sapul nang idaos ang unang China-ASEAN Expo (CAExpo) sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, noong 2004. Ang "tsanel ng Nanning" ay naging mahalagang plataporma para sa pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, at magkasamang pagtatatag ng "21 Century Maritime Silk Road."
Ipininid kamakalawa ang 4-araw na ika-12 CAExpo. Sa ekspong ito, itinayo ang 4600 booth, idinaos ang 27 porum sa mataas na antas, at nilagdaan ang 67 proyekto ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan at 107 proyekto ng kooperasyong pangkabuhayan sa loob ng bansa.
Noong nagdaang Hunyo, pormal na binuksan ang consulate general ng Malaysia sa Nanning. Ito ang ika-4 na consulate general ng Malaysia sa Tsina. Hanggang ngayon, may 6 na organo ng konsuladong dayuhan sa Nanning, at ang lahat sa kanila ay mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, Biyetnam, at Malaysia. Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, 77 bahay-kalakal ng mga bansang ASEAN ang namuhunan sa Nanning, at lumampas sa 1 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kanilang pamumuhunan.
Salin: Vera