Dumating kahapon sa Seattle, Estados Unidos, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang biyahe sa Amerika. Pagkaraang dumating, bumigkas ng talumpati si Xi sa mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng Amerika. Sa kanyang talumpati, binanggit niya ang estratehiya ng pag-unlad ng Tsina, at matapat na binigyan ng tugon ang mga mainitang isyung gaya ng plaktuwasyon ng stock market ng Tsina, pagbabago ng exchange rate ng RMB, at tunguhin ng paglaban sa katiwalian, pagpapasulong sa Belt and Road Initiatives. Muling binigyang-diin niyang nakahanda ang pamahalaang Tsino na magsikap, kasama ng panig Amerikano, para buong tatag na mapasulong ang konstruksyon ng bagong major-power relationship ng dalawang bansa, at magkasamang likhain ang mas magandang kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano.
Sa harap ng pagkabalisa ng ilang mga bansa sa direksyon ng pag-unlad ng Tsina at duda sa patakaran nito, biniyang-diin ni Xi na pananatilihin ng kabuhayang Tsino ang matatag at may kabilisang pag-unlad.
Tinukoy pa niyang ang pag-unlad ng Tsina ay nakinabang sa komunidad ng daigdig, kaya dapat gumawa ito ng ambag para sa pag-unlad ng buong mundo.
Salin: Vera