Sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Idinaos kahapon ang Simposyun ng Kooperasyong Pambatas sa Suliraning Komersyal ng Tsina at ASEAN. Nagkaroon ang mga namamahalang tauhan ng Samahang Industriyal at Komersyal, dalub-batas, at mangangalakal mula sa Tsina at 10 bansang ASEAN ng malalimang pagsasanggunian tungkol sa temang "Pagpapalalim ng Rehiyonal na Kooperasyong Pambatas, Pagpapasulong ng Konstruksyon ng 'One Belt and One Road'." Ipinalabas sa simposyum ang "Deklarasyon ng Kooperasyong Pambatas."
Ayon kay Yi Zonghua, Pangalawang Puno ng Samahang Tsino sa Pagpapasulong ng Kalakalan, nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng komprehensibong pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, dumarami nang dumarami ang mga panganib sa batas at alitang pangkalakalan ng dalawang panig sa mga larangang gaya ng kasunduan ng proyekto, at kooperasyong panteknolohiya. Dahil sa di-pagkaunawa sa patakaran, sistema, at regulasyon ng ibang bansa, nakaranas ang maraming bahay-kalakal ng kahirapan sa pag-unlad. Aniya, napakahalaga ng pagpapalalim ng kooperasyong pambatas ng dalawang panig para sa ibayo pang pagpapasulong ng kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Nanawagan ang naturang deklarasyon na dapat lubusang patingkarin ng mga organisasyong industriyal at komersyal, at mga organong pambatas ang kanilang espesyal na bentahe, at dapat ding walang humpay na palawakin ang kanilang kooperasyong pambatas sa mga suliraning komersyal para ibayo pang mapasulong ang pagtatatag ng mas mahigpit na relasyon ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Salin: Li Feng