Dumalo at nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa United Nations Sustainable Development Summit na idinaos kahapon sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York.
Sinabi ni Xi na ang Post-2015 Development Agenda na pinagtibay sa pulong na ito ay bagong blueprint ng pandaigdig na pag-unlad. Nanawagan siya para sa pagtahak sa landas ng pantay-pantay; bukas; at komprehensibong pag-unlad, na pinasusulong ng inobasyon; at pagsasakatuparan ng komong pag-unlad ng iba't ibang bansa.
Iniharap din ni Xi ang apat na mungkahi hinggil sa pandaigdig na pag-unlad, na kinabibilangan ng pagpapalakas ng kakayahan ng lahat ng mga bansa sa pagpapaunlad, pagpapabuti ng kapaligiran para sa pag-unlad, pagpapasulong ng partnership sa pag-unlad sa pagitan ng mga mayaman at mahirap na bansa, at pagkumpleto sa mekanismo ng pagkokoordinahan para sa pagpapaunlad.
Tinukoy rin ni Xi na makikipagtulungan ang Tsina sa iba't ibang bansa, para isakatuparan ang Post-2015 Development Agenda at pasulungin ang mga usapin hinggil sa pagdaigdig na pag-unlad. Para rito, ipinatalastas niyang itatatag ng Tsina ang mekanismo ng pondo bilang pagsuporta sa South-South Cooperation, at ipagkakaloob ang 2 bilyong Dolyares na first installment, bilang tulong sa mga umuunlad na bansa, upang isakatuparan ang naturang agenda. Aniya pa, daragdagan ng Tsina ang pamumuhunan sa mga least developed countries, para umabot sa 12 bilyong Dolyares ang halaga ng pamumuhunan sa taong 2030. Babalewalain din aniya ng Tsina ang governmental loan sa mga least developed countries, inland developing coutries, at small-island developing coutries.
Salin: Liu Kai