Nakipagtagpo kahapon sa New York si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Pangulong Mogens Lykketoft ng United Nations General Assembly (UNGA).
Sa pagtatagpo, inulit ni Wang ang pagkatig ng Tsina sa iba't ibang usapin ng UN. Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na isagawa ang mga aktuwal na aksyon para isakatuparan ang Post-2015 Development Agenda.
Positibo naman si Lykketoft sa ginagampanang konstruktibong papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Inaasahan din aniya ng UNGA ang patuloy na pagkatig ng Tsina sa Post-2015 Development Agenda.
Salin: Liu Kai