Mula noong ika-22 hanggang ika-25 ng buwang ito, sa paanyaya ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang kauna-unahang dalaw-pang-estado sa bansang ito. Narating ng dalawang lider ang 49 na pangunahing komong palagay at bunga. Sa resepsyon ng Embahada ng Tsina sa Amerika na idinaos kahapon bilang pagdiriwang sa ika-66 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na mahalagang mahalaga ang taong 2015 para sa relasyong Sino-Amerikano. Ang pinakamahalagang bunga ng katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi sa Amerika ay pagpapalalim ng kooperasyon at pagpapahigpit ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Ani Cui, sa panahon ng nasabing pagdalaw, nagkaroon ang panig Tsino't Amerikano ng mahalagang komong palagay sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, enerhiya, kultura, siyensiyat' teknolohiya, agrikultura, pagpapatupad ng batas, seguridad sa internet, suliraning pandepensa, abiyasyon, at konstruksyon ng imprastruktura. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na ibayo pang palakasin ang kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig hinggil sa aksyong pamayapa, kooperasyong pangkaunlaran, sustainable development agenda, kaligtasan ng pagkaing-butil, kalusugang pampubliko at iba pa, at magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima.
Salin: Vera