"Posibleng umabot sa 160 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Malaysia sa taong 2017, batay sa pagpapalawak ng pagtutulungan sa bagong larangan." Ito ang ipinahayag kamakailan ni Ong Ka Chuan, Pangalawang Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Malaysia sa economic promotion na idinaos sa Kuala Lumpur ng Samahan ng Pamumuhunan ng mga Bahay-kalakal na Tsino sa Ibayong Dagat.
Ani Ong, optimistiko siya sa pagtutulungang pangkalakalan at pangkabuhayan ng Tsina at Malaysia sa hinaharap. Aniya, lumampas sa 100 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa noong 2013 at 2014, at umabot naman sa 2.3 bilyong dolyares ang pamumuhunan mula sa Tsina sa kanyang bansa, noong 2014.