Ang Summit ng Tsina, Hapon, at Timog Korea na idinaos noong unang araw ng buwang ito sa Seoul, ay nakatawag ng pansin ng mga media sa daigdig.
Anang pahayagang Hankook Ilbo ng Timog Korea, ang mahalagang bunga ng summit na ito ay pagbibigay nito ng direksyon sa kooperasyon ng Tsina, Hapon, at T.Korea. Ayon naman sa Kyodo News Agency ng Hapon, kinakaharap ng tatlong bansa ang maraming isyung kailangang lutasin, kaya hindi dapat ihinto ang kanilang kooperasyon.
Tinukoy naman ng Bloomberg News na ang pagdaraos ng naturang summit ay palatandaan sa komprehensibong pagpapanumbalik ng kooperasyon ng Tsina, Hapon, at T.Korea. Sinabi naman ng Associated Press na batay sa mahigpit na koneksyon nila sa kabuhayan, kailangang magsikap ang tatlong bansang ito para pabutihin ang kanilang relasyon. Ipinalalagay naman ng Deutsche Welle na pagdating sa muling pagtitipon ng mga lider ng tatlong pangunahing bansa sa Silangang Asya, at pagpapahayag nila ng kahandaan sa pagpapalakas ng kooperasyon sa diplomasya at kabuhayan, ang katuturang simboliko nito ay mas mahalaga kaysa konkretong nilalaman ng summit.
Salin: Liu Kai