Sa kanyang artikulong ipinalabas kamakailan, sinabi ni Pan Jiancheng, Pangalawang Puno ng China Economic Monitoring and Analysis Center, na hindi kailangang ikabahala ang hinggil sa kabuhayang Tsino, dahil sa 6.9% na paglaki ng GDP ng Tsina noong unang tatlong kuwarter ng taong ito.
Ayon kay Pan, pagdating sa 6.9% na paglaki ng GDP, mayroon pang mga positibong elemento. Una, kung titingnan ang buong daigdig, ang 6.9% ay isa pa ring mabilis na paglaki. Ikalawa, habang malaking bumababa ang pagluluwas ng Tsina, ang pangangailangang panloob ay nagbigay ng mas malaking ambag sa GDP. Ikatlo, maganda ang kalagayan ng hanapbuhay, at hindi mataas ang unemployment rate. Ikaapat, patuloy at mabilis na lumaki ang kita ng mga mamamayan. At ikalima, gumaganda ang kapaligiran na gaya ng kalidad ng hangin.
Samantala, ipinalalagay ni Pan na bumubuti rin ang estruktura ng kabuhayang Tsino. Halimbawa, lumalaki ang konsumo ng mga mamamayan, pumupunta ang mas maraming pamumuhunan sa mga sektor na may kinalaman sa imprastruktura, pamumuhay ng mga mamamayan, inobasyon, at iba pa, at mabilis na umuunlad naman ang mga bagong-sibol na industriya na gaya ng pinansyo, serbisyo, information techonology, at iba pa.
Sinabi ni Pan na dahil sa naturang mga positibong elemento, bagama't kinakaharap ng kabuhayang Tsino ang malaking presyur, maganda pa rin ang prospek nito.
Salin: Liu Kai