Lumisan kahapon ng Athens, Greece, ang 30 refugees mula sa Syria at Iraq papunta sa Luxembourg. Ito ay kauna-unahang pagsasagawa ng Greece ng plano ng Unyong Europeo (EU) para ilipat ang mga refugees sa ibang mga kasaping bansa ng EU.
Ayon sa plano ng EU, halos 68 libong refugees sa Greece ay ililipat sa ibang mga kasaping bansa ng EU. Inilaan ng EU ang 780 milyong Euro para isakatuparan ang nasabing dalawang taong plano.
Ang mga kasaping bansa na tatanggap sa mga refugees ay makakakuha ng 6,000 Euro subsidy para maisaayos ang isang refugees at ang Greece ay tatanggap sa 500 Euro para sa paglilipat ng isang refugees.