Bilang pundamental na dokumentong pambatas sa pagbuo at pagpapatakbo ng Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB), pinagtibay kahapon sa ika-17 sesyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 Pambasang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang "AIIB Agreement."
Ayon sa AIIB Agreement, magkakabisa ang nasabing kasunduan at opisyal na mabubuo ang AIIB, kung di-kukulangin sa 10 kasapi ng AIIB ang lalagda sa kasunduan at isusumite ang nakasulat na pagsang-ayon. Samantala,ang kabuuang halaga ng kanilang capital stocks sa AIIB anito'y dapat umabot o lumampas sa 50%.
Bilang tagapaghain at pinakalamaking stock holder ng AIIB, ang capital stocks ng Tsina ay katumbas ng 30.34%. Kaya, napakahalaga ang lehislaturang Tsino na pinagtibay ang nasabing kasunduan. Ito ay may mahalagang katuturan sa nakatakdang pagbuo ng AIIB sa katapusan ng taong ito.
Sa kasalukuyan, 54 na panig ang lumagda sa intensyon ng naturang kasunduan.