Ayon sa Xinhua News Agency, bilang bahagi ng Ika-2 World Internet Conference, itinaguyod Huwebes ng gabi, Disyembre 17, 2015, ng China Internet Development Foundation (CIDF) ang "Gawing Dagat ng Pagmamahal ang Internet — Proposal tungkol sa Pagpapaunlad ng Network Public Welfare." Ito ay ginawa sa tulong ng 106 na organisasyon ng internet na gaya ng Chinese Culture Institute of Internet Communication, People.cn, Xinhuanet at Alibaba
Bilang kinatawan ng tagapagtaguyod, binasa ni Ma Li, Director-General ng CIDF, ang nasabing proposal. Aniya, sa kasalukuyang siglo, kasunod ng mabilis na pag-unlad ng internet, masiglang umuunlad ang network public welfare, bagay na walang humpay na nakakapagpayaman at makakapagpalawak sa ideya ng usapin ng public welfare.
Idinagdag pa niya na ang pagpapaunlad ng network public welfare ay nagsisilbing isang mahalagang paraan para mapalaganap ang positive energy sa network, mapasulong ang malusog na pag-unlad ng internet industry, at makapaghatid ng benepisyo sa 1.3 bilyong mamamayang Tsino.
Salin: Li Feng