Nag-usap kamakailan sa Jakarta, Indonesya ang mga kinatawan ng ASEAN at Shanghai Cooperation Organization (SCO). Sinang-ayunan ng dalawang panig na sa susunod na taon, ibayo pang palalakasin ang komprehensibong kooperasyon upang gawing priyoridad ang aspekto ng kabuhayan.
Ipinahayag ni Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na mahalaga ang pagkatig sa isa't isa ng ASEAN at SCO. Malawak aniya ang komong interes ng dalawang organisasyon, at maganda ang prospek ng kanilang kooperasyon sa kabuhayan.
Ipinahayag naman ni Dmitry Mezentsev, Pangkalahatang Kalihim ng SCO, ang kahandaang palakasin ang relasyon sa ASEAN sa iba't ibang larangan. Inanyayahan din niya ang mga kasaping bansa ng ASEAN at ASEAN Secretariat na lumahok sa iba't ibang summit at porum ng SCO sa susunod na taon.
Salin: Liu Kai