Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2015, masusing taon para sa pag-unlad ng ASEAN: dalubhasang Tsino

(GMT+08:00) 2015-12-29 16:27:04       CRI
Noong Nobyembre 22, 2015, sa Ika-27 ASEAN Summit, nilagdaan ng mga lider mula sa sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Kuala Lumpur Declaration. Ayon sa Deklarasyon, itatatag ang ASEAN Community sa ika-31 ng Disyembre, 2015.

Ayon sa mga dalubhasang Tsino, ang pangyayaring ito ay pinakatampok sa pag-unlad ng ASEAN sa taong 2015.

(file photo, Xinhua) Ang mga lider na ASEAN habang lumalahok sa seremonya ng paglalagda ng 2015 Kuala Lumpur Declaration on the Establishment of the ASEAN Community at dokumentong ASEAN 2025: Forging Ahead Together, noong ika-22 ng Nobyembre, 2015, sa KL, Malaysia.


ASEAN Economic Community

May tatlong pillar ang ASEAN Community na kinabibilangan ng ASEAN Economic Community, ASEAN Political Security Community at ASEAN Socio-Cultural Community, para ganap na maisakatuparan ang integrasyong panrehiyon. Ipinalalagay ni Wei Ling, dalubhasa mula sa China Foreign Affairs University na pinakamabunga ang pagtatatag ng ASEAN Economic Community.

Aniya, noong 2014, umabot sa 2.6 na trilyong dolyares ang Gross Domestic Product (GDP) ng ASEAN, at dahil dito, ang ASEAN ay naging ika-7 pinakamalaking economy sa daigdig at ikatlong pinakamalaking economy sa Asya. Noong 2014, umabot sa isang trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng ASEAN at kabilang dito, ang mas malaking bahagi ay kalakalan sa pagitan ng mga miyembro ng ASEAN. Samantala, noong 2014, umabot sa 136 na bilyong dolyares ang Foreign Direct Investment (FDI) sa ASEAN, at katumbas ito ng 11% ng kabuuang FDI ng daigdig.

Kooperasyong makatao at panlipunan

Ipinahayag din ng mga dalubhasang Tsino ang paghanga sa kooperasyong panlipunan ng mga miyembro ng ASEAN. Noong Mayo, 2015, upang malutas ang isyu ng Rohingya, nagpulong ang mga ministrong panlabas mula sa Malaysia, Thailand at Indonesia, sa Kuala Lumpur para tugunan ang pagpupuslit ng mga Rohingya. Ang mga Rohingya ay Muslim na namumuhay sa Myanmar at Bangladesh. Dahil sa mga madugong alitan sa pagitan ng mga Rohingya at mga mananampalataya ng Budismo, maraming Rohingya ang tumakas ng Myanmar at ilegal na nandayuhan sa Thailand, Malaysia at iba pang mga bansa.

Sa ASEAN Summit noong Nobyembre, nagkaroon din ng konstruktibong talakayan ang mga lider ng ASEAN kung paanong lutasin ang transboundary haze na dulot ng forest fire sa Indonesia.

Katatagang pulitikal

Ipinalalagay naman ni Zhang Yunling, dalubhasa mula sa Chinese Academy of Social Sciences na nananatiling matatag ang kalagayang pulitikal sa ASEAN, sa ilalim ng maligalig na situwasyon sa ibang rehiyon na gaya ng Gitnang Silangan, Aprika, at Latin-Amerika.

Inisa-isa rin ni Zhang ang mga kapansin-pansing pangyayaring pulitikal ng mga kasapi ng ASEAN. Halimbawa, idinaos ng Myanmar ang pambansang halalan noong ika-8 ng Nobyembre, at nanalo ang National League for Democracy (NLD) na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi. Sa kasalukuyan, maayos ang paghahanda para sa paglilipat ng kapangyarihan sa bansa. Idinaos din ang pambansang halalan ng Singapore kung saan muling nagwagi ang naghaharing People's Action Party.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>