Pagkaraang isagawa ng Hilagang Korea ang hydrogen bomb test, lumipad kamakailan ang isang B-53 bomber ng tropang Amerikano sa loob ng himpapawid ng Korean Peninsula, at pinanumbalik naman ng Timog Korea ang broadcasting propaganda sa H.Korea. Kaugnay ng mga pangyayaring ito, ipinahayag kahapon, Lunes, ika-11 ng Enero, 2016, ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na magtitimpi ang iba't ibang panig, para iwasan ang paglala pa ng tensyon, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa Hilagang-silangang Asya.
Inulit din ni Hong ang pagtutol ng Tsina sa nuclear test ng H.Korea. Dagdag niya, dapat panumbalikin sa lalong madaling panahon ang talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, para isakatuparan ang walang nuklear na peninsulang ito.
Salin: Liu Kai