|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Bangkok, Thailand, ang pulong ng mga mataas na opisyal ng mga Departamento ng Edukasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN para talakayin ang mga plano hinggil sa Taon ng Pagpapalitan ng Edukasyon ng dalawang panig.
Sa ika-18 pulong ng mga lider ng Tsina at mga bansang ASEAN (10+1) noong Nobyembro ng taong 2015 sa Kuala Lumpur, Malaysia, itinakda ng mga lider ng dalawang panig na ang taong 2016 ay ang Taon ng Pagpapalitan ng Edukasyon, bilang isa sa mga aktibidad ng pagdiriwang sa Ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Pandiyalogo ng Tsina at ASEAN.
Sa nasabing pulong sa Bangkok, inilahad ni Cen Jianjun, Puno ng Department of International Cooperation at Exchanges ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, ang mga plano ng panig Tsino hinggil sa Taon ng Pagpapalitan ng Edukasyon na gaya ng pagdaraos ng mga porum, pagtatanghal at pulong, at pagsasagawa ng akademikong kooperasyon, pananaliksik, pagsasanay, at pagpapalitan ng mga kabataan.
Tinalakay ng mga kalahok ang 47 na pangunahing proyekto. Iniharap ng mga opisyal ng mga bansang ASEAN ang mga mungkahi hinggil dito. Ipinahayag din nilang, kasama ng panig Tsino, magkasamang idaraos ang isang matagumpay na Taon ng Pagpapalitan ng Edukasyon.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na ang nasabing aktibidad ay ibayo pang magpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa edukayson at pagpapalitan ng kultura, para pahigpitin ang relasyon ng dalawang panig.
Ang isang pangunahing proyekto ng Taon ng Pagpapalitan ng Edukasyon ng dalawang panig ay ang ika-9 na Education Cooperation Week ng Tsina at ASEAN na idaraos sa Guiyang, Punong Lunsod ng Lalawigang Guizhou ng Tsina, mula unang araw hanggang ika-5 ng darating na Agosto.
Ang Education Cooperation Week ng Tsina at ASEAN ay sinimulan noong taong 2008. Ito ay magkasamang itinaguyod ng Ministring Panlabas ng Tsina, Ministri ng Edukasyon ng Tsina, at Pamahalaan ng Guizhou.
Lumalahok sa naturang aktibidad ang mga opisyal ng departamento ng edukasyon ng dalawang panig, mga diplomata, dalubhasa at principal ng kolehiyo at estudyante, para talakayin at hanapin ang mga paraan sa pagpapasulong ng kooperasyon ng edukasyon ng Tsina at ASEAN.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |