Idinaos kahapon, Biyernes, ika-15 ng Enero sa Beijing, ang pulong sa mataas na antas hinggil sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road Initiatives o "Belt and Road" Initiative. Ipinahayag sa pulong ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina, na ang pagpapasulong ng "Belt and Road" Initiative ay priyoridad sa susunod na limang taon.
Sinabi ni Zhang na ang "Belt and Road" Initiative ay sistematikong proyekto na kinabibilangan ng infrastructure connectivity, transportasyon, kooperasyong pangkabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, pagpapalitan ng mga mamamayan, pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran, at iba pa. Dapat aniya komprehensibong pasulungin ang mga gawaing ito.
Binigyang-diin din ni Zhang ang prinsipyong "magkakasamang itayo ang 'Belt and Road' sa pamamagitan ng pagsasanggunian, para makatugon sa interes ng lahat." Dapat aniya igiit ang prinsipyong ito, para pasulungin ang pragmatikong kooperasyon ng mga bansa at rehiyon sa kahabaan ng "Belt and Road," at magdulot ng pagkakataon at pakinabang sa lahat.
Salin: Liu Kai