Sa okasyon ng ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Estados Unidos, idinaos kahapon (local time) sa Carter Center ng Atlanta City, ang Taunang Porum hinggil sa Relasyong Sino-Amerikano. Dumalo sa porum ang mga ex-statesmen, iskolar, at personahe mula sa sirkulong komersyal ng dalawang bansa, para magkakasamang talakayin ang mga mahahalagang temang may kinalaman sa direksyon ng pag-unlad ng naturang relasyon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Jimmy Carter, dating Pangulong Amerikano at saksi sa opisyal na pagtatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, na mula sa isang bansang may napakahinang pundasyon, ang Tsina ngayon ay isa na sa mga bansang may bukas, malaya, at masiglang ekonomya sa daigdig. Aniya pa, maaring ibahagi ng Tsina ang mahalagang karanasan nito sa iba pang mga umuunlad na bansa.
Sinabi naman ni Li Xiaolin, Puno ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries, na dapat palakasin ng Tsina at Estados Unidos ang kanilang kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Dapat din aniyang palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng