Beijing, Tsina--Nakipagtagpo noong Martes, ika-26 ng Enero 2016, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore na kalahok sa ika-9 na pagsasaguniang diplomatiko ng Tsina at Singapore. Ipinahayag ni Wang na patuloy na magiging mas mahigpit ang relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Sinabi ni Wang na ang Singapore ay bansang tagapagkoordina ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa kasalukuyang taon. Umaasa aniya ang panig Tsino, kasama ng mga bansang ASEAN, na sa pamamagitan ng pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relation ng Tsina at ASEAN, ipopokus ang kooperasyon, isasaisang-tabi ang hadlang, at mapapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng kapuwa panig.
Ipinahayag naman ni Chee na umaasa ang panig Singaporean na mapapatingkad ang papel ng bansang tagapagkoordina ng relasyong Sino-ASEAN, maayos na itataguyod, kasama ng panig Tsino, ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relation ng Tsina at ASEAN, mapapasulong ang pagtatamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ng positibong bunga, at ang pagkuha ng relasyong Sino-ASEAN ng mas malaking progreso.
Salin: Vera