Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag kamakailan ng opisyal ng Amerika sa mga mamamahayag na umaasa ang mga bansang ASEAN na magkakaisa para mapangalagaan ang karapatan at kapakanan sa dagat, at maiwasan ang militarization at sagupaan sa nasabing rehiyon.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Enero 26, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi spokesman ng mga bansang ASEAN ang opisyal ng Amerika. Umaasa aniya siyang mapapatingkad ng panig Amerikano ang konstruktibong papel para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Li Feng