Kaugnay ng paglalakbay-suri ni Ma Yingjiu, Punong Ehekutibo ng Taiwan sa Taiping Island sa South China Sea, ipinahayag kahapon, Enero 28, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang duda ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands, at may karapatan at responsibilidad ang lahat ng mga mamamayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits sa pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo ng Tsina at komong interes ng nasyong Tsino.
Ipinahayag ni Hua na palaging nagsisikap ang Tsina para maitatag ang South China Sea, bilang lugar kung saan may kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon, para pangalagaan ang malayang paglalayag, matatag na kasaganaan, at mapayapang kaunlaran dito.