Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-29 ng Enero 2016, sa Washington DC, ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na ang karanasan sa paghawak ng isyung nuklear ng Iran ay magandang halimbawa para sa paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula. Aniya, ang sangsyon ay hindi siyang tanging pili sa isyung ito, at dapat din isagawa ang talastasan.
Sinabi ni Cui na pagdating sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, kinakailangan ang sangsyon, pero kung sa pamamagitan ng sangsyon lamang, hindi malulutas ang isyu. Aniya, dapat talakayin ng mga may kinalamang panig ang pagsasagawa ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Binigyang-diin din ni Cui na ang sangsyon sa Hilagang Korea ay dapat ituon lamang sa plano nito ng pagdedebelop ng sandatang nuklear, at hindi dapat makaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayang H.Koreano. Dagdag niya, ang sangsyon ay hindi dapat din makaapekto sa normal na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng H.Korea at mga ibang bansa na kinabibilangan ng Tsina.
Kasabay nito, ipinahayag ni Cui na mahigpit ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan ng Tsina at Amerika sa isyung nuklear ng Korean Peninsula. Aniya, ang walang nuklear na Korean Peninsula, at kapayapaan at katatagan sa peninsula ay komong target ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai