50 katao, patay sa pagsabog sa Damascus
Ilang pagsabog ang naganap kahapon, Enero 31, 2016 sa gawing timog ng Damascus, kabisera ng Syria. Ikinamatay ito ng 50 katao, at mahigit 100 iba pa ang nasugatan.
Kaugnay nito, sa isang liham na ipinadala ng Ministring Panlabas ng Syria sa UN Security Council, binatikos nito ang grupong teroristiko na nagtatangkang sirain ang talastasang pangkapayapaan sa pamamagitan ng pagpapasabog. Binigyang diin din ng Syria na dapat magbigay-suporta ang komunidad ng daigdig sa pagsisikap nito para labanan ang terorismo, sa halip na isagawa ang double standard, para sa sariling layuning pampulitika.
Nang araw ring iyon, sa pahayag na ipinalabas ni Punong Ministro Wael al-Halqi ng Syria, kinondena niya ang teroritikong pag-atake laban sa mga sibilyan. Aniya, hindi nito mapipigilan ang pagsisikap ng mga mamamayang Syrian para sa rekonsilyasyon ng bansa.