Washington D.C., Estados Unidos—Ipinahayag nitong Martes, Pebrero, 9, 2016, ni James Clapper, Puno ng Pambansang Intelihensiya ng Amerika na pinalawak ng Hilagang Korea ang isang uranium enrichment facility, at muli rin nitong pinaandar ang plutonium production reactor.
Sa kanyang ulat sa Senate Armed Services Committee, sinabi ni Clapper na ang programang nuklear ng Hilagang Korea ay nagpapataw at magpapataw ng malubhang banta sa interes ng Amerika at sa kaligtasan ng Silangang Asya.
Ipinatalastas ng Hilagang Korea nitong nagdaang Linggo, Pebrero 7, 2016, ang matagumpay na pagkakalunsad sa orbito ng Kwangmyongsong-4 Earth observation satellite, gamit ang ballistic missile technology. Isang buwan ang nakaraan, inamin nito ang matagumpay na pagsubok ng una nitong hydrogen bomb.
Ang paggamit ng ballistic missile technology ng Hilagang Korea ay matinding kinondema ng United Nations Security Council at iba pa.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio