Bilang tugon sa inquiry ng mga miyembro ng Parliamento, ipinahayag nitong Huwebes, Pebrero 18, 2016, ni Punong Ministro Hwang Kyo-ahn ng Timog Korea na nananangan pa ang kanyang pamahalaan sa walang-nuklear na patakaran, ibig sabihin, hindi magdedebelop o magpapapasok sa bansa ng mga sandatang nuklear.
Noong Enero 6, isinagawa ng Hilagang Korea ang ikaapat na nuclear test. Dahil dito, muling iminungkahi ng ilang miyembro ng Parliamento ng T. Korea na kailangang sarilinang idebelop ng bansa ang mga sandatang nuklear, at kung hindi, dapat pahintulutan ang Estados Unidos na muling i-deploy ang mga sandatang nuklear sa bansa.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio