Beijing, Tsina—Nakipagtagpo dito noong Huwebes, ika-18 ng Pebrero, 2016, si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, kay Jolie Bishop, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Australia. Nagpalitan ng kuru-kuro ang magkabilang panig hinggil sa pagpapaunlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Australia.
Nang mabanggit ang isyu ng South China Sea, binigyang-diin ni Yang na ang mga isla sa South China Sea ay teritoryo ng Tsina mula pa noong sinaunang panahon, at may karapatan aniya ang Tsina sa pangangalaga sa sariling teritoryo, soberanya, at karapata't kapakanang pandagat. Sinabi niyang ang mga konstruksyon ng panig Tsino sa mga may kinalamang pulo at batuhan sa South China Sea ay, pangunahing na, para sa layuning pansiblyan, at sa mas mabuting pagkakaloob ng produkto ng serbisyong pampubliko sa komunidad ng daigdig. Ang limitadong instalasyong pandepensa na idineploy ng panig Tsino sa sariling teritoryo ay walang kinalaman sa militarisasyon. Ito ay legal na paggamit ng karapatan sa self-defence na kaloob ng pandaigdigang batas sa isang soberanong bansa, dagdag pa niya.
Tinukoy ni Yang na ang Australia ay hindi bansang may kinalaman sa South China Sea. Dapat aniyang sundin nito ang pangakong walang papanigan sa isyu ng SCS, at hindi makikisangkot o hindi magsasagawa ng anumang aksyong makakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at relasyong Sino-Australian.
Salin: Vera