Sa regular na preskon noong Huwebes, ika-18 ng Pebrero, 2016, gumawa ng reaksyon si Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isyung may kinalaman sa pagde-deploy ng missile ng Tsina sa Yongxing Island. Aniya, nitong nakalipas na ilampung taon, palagiang nagde-deploy ng iba't ibang uri ng instalasyong pandepensa sa Xisha Islands ang Tsina. Ito aniya ang suliranin sa loob ng soberanya ng Tsina. Makatwiran at lehitimo ito, at walang kinalaman sa umano'y "militarisasyon" ng South China Sea, aniya pa.
Binigyang-diin ni Hong na ang Xisha Islands ay teritoryo ng Tsina. Ang pagde-deploy ng iba't ibang uri ng instalasyong pandepensa sa Xisha Islands ay walang kinalaman sa komprehensibong pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Ani Hong, nitong nakalipas na ilang taon, aktibong pinapasulong ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagsasanggunian sa "Code of Conduct for the South China Sea," sa ilalim ng balangkas ng DOC, at walang humpay na natamo ang mahalagang bunga. Umaasa aniya siyang hindi magsasagawa ang mga kinauukulang bansa ng tikis na pagpapamalaki sa isyung ito, at gagawa ng mas maraming aksyong makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera