Ayon sa Xinhua News Agency, kaugnay ng pagdedeploy ng Tsina ng missiles sa Yongxing Island, hiniling ng Australia at New Zealand sa panig Tsino na panatilihin ang pagtitimpi sa isyu ng South China Sea. Bilang tugon, sinabi kahapon, Pebrero 19, 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasang obdiyektibong pakikitunguhan ng naturang dalawang bansa ang katotohanang historikal ng isyu ng SCS. Huwag aniya iharap ng dalawang bansa ang di-konstruktibong mungkahi sa isyung ito.
Sa isang regular na preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Hong na mula sinaunang panahon, ang mga isla sa SCS ay likas na teritoryo ng Tsina, at may karapatan ang Tsina sa pangangalaga sa sariling lehitimong karapatan at interes. Dagdag pa niya, ang pagdedeploy ng panig Tsino ng angkop at kinakailangang instalasyong pandepensa sa sariling teritoryo, ay pagsasagawa ng karapatan ng self-defense at preservation na ibinibigay ng pandaigdigang batas sa mga soberanong bansa.
Salin: Li Feng