Ipinahayag kamakailan ng pamahalaan ng Thailand na magkakabisa ang bago nitong batas sa imigrasyon, sa Marso 20, 2016.
Ayon dito , kung lalampas sa 90 araw ang ilegal na pagtigil ng mga dayuhan sa Thailand, dadakipin sila ng Kapulisan. Anito pa, ilalagay din ang naturang mga dayuhan sa blacklist at hindi na muling makakapasok sa bansa, sa susunod na ilang taon, na may pinakamahabang panahon na 10 taon.
Ang nasabing batas ay suportado ng mga may-kinalamang departamento ng pamahalaan at mga mamamayan ng Thailand.