Pinanguluhan kamakailan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang regular na pulong ng Pamahalaang Sentral para pasulungin ang inobasyon at pagpapabuti ng industriya ng medisina ng Tsina.
Binigyang-diin ni Premyer Li na ang pag-unlad ng industriya ng medisina ay makakatugon, pangunahin na, sa kahilingan ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Dagdag pa niya, ito rin ay makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Sinabi pa niyang dapat pag-ugnayin ang pag-unlad ng industriya ng medisina at reporma sa sistema ng medisina at kalusugan para mas higit na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Salin: Ernest