|
||||||||
|
||
Ipinahayag niyang ang mga isla at reef na binanggit sa White Paper ay nabibilang sa teritoryo ng Tsina, at ang mga konstruksyon ng Tsina sa sariling teritoryo ay mga suliraning panloob.
Biniyang-diin niyang ang pagtaya ng Australia sa hukbong Tsino ay walang anumang katibayan. Dagdag niya, ang layunin ng konstruksyong pandepensa ng Tsina ay pangangalaga sa kabuuan at kaligtasan ng pambansang soberanya at teritoryo.
Umaasa aniya siyang ibayo pang pahihigpitin ng Tsina at Australia ang estratehikong pag-uugnayan at mga aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng kanilang hukbo.
Bukod dito, ipinahayag naman ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ang pagkabahala sa mga nilalaman ng White Paper ng Australia hinggil sa South China Sea at pag-unlad ng puwersang pandepensa ng Tsina.
Sinabi niyang mali ang mga nilalaman ng White Paper na may kinalaman sa estratehikong layunin at pag-unlad ng Tsina. Ito aniya ay makakapinsala sa bilateral na pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Umaasa aniya siyang isasagawa ng Ausralia ang mga aktuwal na hakbangin para pangalagaan, kasama ng Tsina, ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |