Ipininid kahapon, Sabado, ika-27 ng Pebrero 2016, sa Vientiane, Laos, ang ASEAN Foreign Ministers' Retreat.
Sa pulong, tinalakay ng mga ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN, pangunahin na, ang pagpapatupad ng ASEAN Community Vision 2025, lalung-lalo na ng ASEAN Political-Security Community Blueprint.
Narating din nila ang komong palagay hinggil sa isyu ng South China Sea.
Ayon sa press statement na ipinalabas sa pulong, inulit ng mga ministrong panlabas ang pangakong panatilihin ang kapayapaan, katiwasayan, at katatagan ng rehiyong ito, at mapayapang lutasin ang hidwaan batay sa pandaigdig na batas. Anila, dapat lubos na igalang ang mga prosidyur na pambatas at diplomatiko, hindi gumamit ng dahas o ipanakot ang paggamit ng dahas, at sundin ang mga kinikilalang prinsipyo ng pandaigdig na batas, lalung-lalo na ang United Nations Convention on the Law of the Sea.
Inulit din ng mga ministrong panlabas ang pangangailangang palakasin ang pagtitiwalaan, panatilihin ang pagtitimpi, at iwasan ang mga aksyong magpapasalimuot ng kalagayan. Muli nilang binigyang-diin ang kahalagahan sa kapayapaan, katiwasayan, at katatagan sa South China Sea, at malayang paglalayag at paglilipad sa karagatang ito.
Salin: Liu Kai