Idaraos alas-10:00 bukas ng umaga, Marso 8, 2016, ang preskon ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Sasagutin ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mga tanong ng mga mamamahayag hinggil sa "patakarang panlabas at relasyong panlabas ng Tsina."
Isasagawa ng China Radio International (CRI) ang live coverage sa Mandarin at Ingles. Samantala, isasagawa ng www.cri.cn, http://english.cri.cn, at http://chinese.cri.cn ang live coverage sa pamamagitan ng mga litrato at artikulo.
Salin: Li Feng