Ayon sa Xinhua News Agency, sa preskong idinaos ngayong araw, Marso 7, 2016, ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), sinabi ni Ye Zhenqin, Tagapagsalita ng Ministri ng Agrikultura ng Tsina, na nitong sampung (10) taong nakalipas, mabilis na lumaki ang kalakalan ng produktong agrikultural ng Tsina at Amerika. Umabot aniya sa 15% ang bahagdan ng taunang paglaki nito.
Sinabi ni Ye na nitong ilang taong nakalipas, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong Sino-Amerikano sa larangang agrikultural na gaya ng pamumuhunan sa isa't-isa, kalakalan sa isa't-isa, at kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya. Lumampas sa 10 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Amerika sa Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng