|
||||||||
|
||
Part I Nilalaman ng major-country diplomacy na may katangiang Tsino
Sa 2016 Government Work Report ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, kuna-unahang iniharap ng pamahalaang Tsino ang major-country diplomacy na may katangiang Tsino bilang pangkalahatang patnubay at prinsipyo ng diplomasyang Tsino. Ang mga saligang nilalaman nito ay kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win situation.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Ministrong Panlabas Wang Yi na ang target ng naturang diplomasya ay ang buong sikap na pagsasakatuparan ng China Dream at konstruksyon ng community of common destiny for all mankind sa pamamagitan ng paggigiit ng mayapang pag-unlad. Ang pundamental na prinsipyo ay kooperasyon at win-win situation sa pundasyon ng pagtatatag ng bagong istilo ng relasyong pandaigdig na nagtatampok sa kooperasyon at win-win situation. Ang piling-paraan ng panig Tsino ay diyalogo, pagkakaibigan at may-katarungang relasyon sa pagitan ng mga bansa, sa halip na komprontasyon.
Sa katotohanan, ang naturang diplomasya ay hindi nangangahulugan ng pagpapasulong ng Tsina sa relasyon sa malalaking bansa lamang. Ito rin ay nagpapakita rin ng responsibilidad ng Tsina batay sa sariling aktuwal komprehensibong pambansang puwersa.
Ang pagharap ng Tsina ng naturang patakarang diplomatiko ay nakatugon din sa kahilingan ng komunidad ng daigdig sa pagganap ng mas malaking papel sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Ang prinsiyo sa diplomasyang Tsino ay palagiang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga bansa gaano man kalaki o kaliit, malakas o mahina.
Bukod dito, ang katangiang Tsino ay nagpapakita ng pagkakaiba ng diwa ng diplomasyang Tsino sa ibang mga diplomasya ng mga malaking bansa. Ito ay palagiang paggigiit ng Tsina sa prinsipyong mapayapa, kooperatibo, umuunlad at may mutuwal na kapakinabangan.
Part II Konstruktibong paglahok sa paglutas sa mga mainit na isyung pandaigdig
Noong 2015, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang 8 beses na pagdalaw sa ibayong dagat na sumasaklaw ng 14 na bansa para ilahad ang paninindigang Tsino sa konstruksyon ng community of common destiny for all mankind.
Halimbawa, sa relasyon sa pagitan ng mga malaking bansa, iminungkahi ng panig Tsino ang pagtatatag ng bagong istilo ng relasyon ng malalaking bansa para marating ang kooperasyon at pagkakaisang posisyon. Sa kasalukuyan, itinatag na ng Tsina at Amerika ang mekanismo ng diyalogo at kooperasyon hinggil sa paghawak ng mga hidwaan ng dalawang panig. Bukod dito, narating ng Tsina at Europa, Tsina at Rusya ang mga aktuwal na bunga sa kooperasyon.
Sa isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Wang Yi na noong 2006, ipinatalastas ng pamahalaang Tsino ang hindi pagtanggap ng anumang sapilitang abitrasyon batay sa ika-298 tadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Hilagang Korea, pero hindi kinakatigan ang planong nuklear ng bansang ito.
Ang konstruktibong paglahok ng Tsina ay nagtatampok sa pagpapasulong ng paglutas ng mga isyu sa halip ng pagdudulot ng mga bagong isyu. Ang mga plano ng paglutas ay dapat makatugon sa komon at aktuwal na kapakanan ng iba't ibang may-kinalamang panig, at maaring isakatuparan.
Sa madaling salita, ang Tsina ay tagapaglahok at tagapagtadhana sa kasalukuyang pandaigdigang kaayusan, sa halip na pagpapabagsak at pagsira sa kaayusang ito.
Noong 2015, iniharap ng Tsina ang mga plano para lutasin ang mga isyu na gaya ng pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig, pagharap sa pagbabago ng klima, pagbawas ng kahirapan, at pag-unlad ng industriya ng Internet. Sa darating na Setyembre, idaraos ang G20 Summit sa Hangzhou ng Tsina. Ito rin ay isang pagsisikap ng panig Tsino para pasulungin ang paglaki at inobasyon ng kabuhayang pandaigdig at pabutihin ang pangangasiwa sa pandaigdigang kabuhayan at pinansya.
Bukod dito, gumanap na ang panig Tsino ng mga aktuwal na papel sa naturang mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Iniharap ng Tsina ang mga aktuwal na plano ng konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt and 21st Century Maritime Silk Road" Initiative. Itinatayo na ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at New Development Bank ng mga bansang BRICS.
Samantala, ang nukleong diwa ng konstruktibong paglahok ng Tsina ay hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang mga bansa. Ang layunin ng Tsina ay pagsasakatuparan ng sariling responsibilidad sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan ng buong daigdig.
Part III Reaslyon ng major-country diplomacy na may katangiang Tsino at pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan
Ang diplomasyang Tsino ay naglilingkod para sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Kasunod ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ibang mga bansa, nakikinabang dito ang mga mamamayan. Halimbawa, nakakabili ang mga mamamayan ng mga murang red wine at olive oil na inaangkat mula sa Espanya. Mas madaling naglalakbay ang mga Tsino sa ibang mga bansa.
Kasunod ng paglalakbay ng paraming paraming turistang Tsino at pamumuhunan ng mga bahay-kalakal sa ibayong dagat, ito rin ay nagdudulot ng bagong kahilingan sa kakayahan ng pamahalaang Tsino sa consular protection at service.
Noong taong 2015, ang bilang mga turistang Tsino sa ibayong dagat ay lumampas sa 120 milyong person-time. Ang kabuuang halaga ng direktang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa ibayong dagat ay umabot sa 120 bilyong dolyares. May responsibilidad at obligasyon ang pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa kapakanan ng naturang mga mamamayan at bahay-kalakal.
Kaya sa pinakahuling government work report, iniharap ng pamahalaang Tsino na dapat pabilisin ang konstruksyon ng kakahayan sa pangangalaga sa mga kapakanan sa ibayong dagat.
Upang mas maayos na pangalagaan ang kapakanan ng mga turistang Tsino, itinatag ng pamahalaang Tsino ang sistema ng 24 oras na consular protection at service. Bukod dito, pinahigpit ng pamahalaang Tsino ang pangangalap sa mga kaalamang panseguridad sa pamamagitan ng Internet, text message, social media, at brochure.
Noong 2015, matagumpay na isinagawa ng pamahalaang Tsino ang paglikas ng mga mamamayang Tsino mula sa kaguluhan sa Yemen at malakas na lindol sa Nepal.
Sa kabilang dako naman, lumitaw rin ang mga kahirapan at kakulangan ng pamahalaang Tsino sa naturang larangan. Halimbawa, kulang ang bilang ng mga diplomatang Tsino sa ibang mga bansa. Simple ang modelo ng consular protection na walang paglahok ang mga bahay-kalakal, non-government organization at mga boluntaryo. Kulang ang pagsasanay sa mga espesyal na kahusayan.
Kaya, ang naturang diplomasya ay nagpapasulong ng pagkakaloob ng pamahalaang Tsino ng mas magandang serbisyo at pangangalaga sa mga turistang Tsino at bahay-kalakal sa ibayong dagat.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |