Sa Bo'ao, probinsyang Hainan ng Tsina — Mula ngayong araw, Marso 22 hanggang Marso 25, 2016, idaraos ang taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA) na may temang "Bagong Kinabukasan ng Asya: Bagong Kasiglahan at Prospek." Magtitipun-tipon dito ang mga politiko, kilalang iskolar at mangangalakal mula sa loob at labas ng Tsina para magkakasamang talakayin ang tungkol sa pag-unlad ng Asya sa hinaharap.
Ang mga keywords na "Bagong Kasiglahan" at "Bagong Prospek" ng naturang pulong ay naglalayong hanapin ang direksyon ng pag-unlad ng bagong kinabukasan ng Asya, sa pamamagitan ng talakayan ng mahigit 2,000 personahe mula sa sirkulong pulitikal at komersyal ng Asya.
Nakatakdang idaos sa taunang pulong ang 88 debatehan na kinabibilangan ng 1 seremonya ng pagbubukas, 51 sub-forum, 15 round-table meeting, 5 theme dinner meeting, 10 dialogue meeting, at 6 na televised debate.
Dadalo sa taunang pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina at mga lider ng mahigit 10 dayuhang bansa.
Salin: Li Feng