Ipinahayag kahapon, Pebrero 25, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na pagkaraang isagawa kamakailan ng Hilagang Korea ang nuclear test, nananatiling mahigpit ang pakikipagpalitan ng Tsina sa mga may-kinalamang bansang kinabibilangan ng Amerika. Aniya, nag-usap Pebrero 23 sa Washington sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, at positibo ang dalawang panig sa natamong bunga sa talakayan ng UN Security Council hinggil sa bagong resolusyon, bilang tugon sa isyung nuklear sa Peninsula ng Korea.
Sinabi ni Hua na inaasahang mapipigil ng bagong resolusyon ang pinapasulong na nuclear plan ng H.Korea. Samantala, binigyang-diin din ni Hua na ang paglutas sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea ay dapat batay sa mapayapang talastasan sa pagitan ng mga may-kinalamang panig.