"Inaasahang isasagawa ng Amerika ang positibo at konstruktibong patakaran sa Tsina." Ito ang ipinahayag kahapon, Pebrero 24, 2016 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Donald Trump, pagkakandidato sa pagkapangulo ng Partido Republikano ng Amerika hinggil sa nais niyang pagpapalawak ng buwis na ipinapataw sa mga produkto mula sa Tsina.
Binigyang-diin ni Hua na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa at maunlad na bansa sa daigdig, magkasamang isinasabalikat ng Tsina at Amerika ang responsibilidad sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, kaligtasan at kaunlaran ng daigdig. Aniya, ang pagsasakatuparan ng pangmatagalang matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa pundamental na interes ng dalawang panig.