Ayon sa panig pulisya ng Iraq, naganap kahapon, Biyernes, ika-25 ng Marso 2016, sa isang bayan sa Babylon Province ng bansang ito ang suicide bombing na ikinamatay ng 26 na katao, at ikinasugat ng 90 iba pa.
Naganap ang naturang pag-atake sa loob ng isang istadyum, kung saan pinanonood ng maraming tao ang palaro ng putbol. Nasawi sa insidente ang puno ng naturang bayan at isang lider ng grupong milisya.
Ayon pa rin sa panig pulisya, ang Islamic State ay pinaghihinalaang maykagagawan ng naturang pag-atake.
Salin: Liu Kai