|
||||||||
|
||
Isang batch ng materyal at pondo ang ipinadala kamakailan ng Tsina sa Myanmar, para katigan ang rekonstruksyon ng pasilidad ng koryete sa mga binahang lugar ng huli.
Noong nagdaang Hulyo, nasalanta ng baha ang ilang lugar ng Myanmar, at malubhang napinsala ang daloy ng koryente. Ipinasiya ng panig Tsino na mag-abuloy ng mga materiyal at pondo na gaya ng power cable at transformer, at ang mga ito ay pinaplanong ipadala sa Myanmar sa Marso, Abril at Hunyo ng kasalukuyang taon, sa 3 pangkat.
Nag-abuloy ang Tsina ng mga materyal at pondo sa Myanmar para katigan ang rekonstruksyon ng pasilidad ng koryete sa mga binahang lugar.
Sa seremonya ng pagpapadala ng unang pangkat ng materyal, sinabi ni Khin Maung Soe, Ministro ng Koryente ng Myanmar, na mabisang gagamitin ng kanyang bansa ang mga ito na inabuloy ng Tsina para sa rekonstruksyon ng pasilidad ng koryente.
Ipinahayag naman ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na ang pagkakaloob ng saklolo sa Myanmar ay para mapasulong ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalaklaan at relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |