Idinaos kahapon, Martes, ika-29 ng Marso 2016, sa Hangzhou, lunsod sa silangang Tsina, ang Green Shipping Workshop ng ASEAN Regional Forum (ARF).
Sa magkasanib na pagtataguyod ng Tsina at Malaysia, lumahok sa workshop na ito ang halos 50 kinatawan mula sa mga kasaping bansa ng ARF at mga may kinalamang organisasyong pandaigdig.
Tinalakay nila ang hinggil sa mga hakbangin ng pagbabawas ng emisyon ng greenhouse gas sa transportasyong pandagat, pagpapatupad ng Ship Energy Efficiency Measures, at pagkontrol sa emisyon ng mga bapor na nakadudumi sa hangin. Ito ay inaasahang makakatulong sa pagbabawas ng polusyon sa kapaligiran ng karagatan, at sa sustenableng pag-unlad ng industriya ng transportasyong pandagat ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai