Ayon sa estadistikang inilabas noong Huwebes, ika-7 ng Abril 2016, ng Kawanihan ng Imbestigasyon sa Korupsyon ng Singapore, noong 2015, 132 kaso lamang ng korupsyon ang hinawakan at nilitis ng nasabing kawanihan. Pinakamababa ang bilang na ito sa kasaysayan ng Singapore, anila pa. Kabilang dito, 11% ng kaso ang may kinalaman sa mga opisyal ng pamahalaan. Ang ibang kaso ay may kinalaman sa pagbibigay at pagtanggap ng suhol sa pribadong larangan.
Mula ika-7 ng Abril hanggang ika-22 ng Mayo, idinaraos sa Pambansang Aklatan ng Singapore ang eksibisyon ng dekripsyon ng korupsyon.
Sa seremonya ng pagbubukas ng eksibisyon, sinabi ni Punong Ministro Lee Hsien Loong na ang Singapore ay kinikilalang isa sa mga bansang may pinakakaunting kaso ng korupsyon sa buong mundo. Aniya, ang matibay na determinasyon ng mga lider sa pagpigil sa panlulustay at katiwalian, pagtatakda ng mahigpit na batas sa pagpaparusa sa panlulustay at katiwalian, at kultura ng "serong pagpapahintulot" ng buong lipunan sa panlulustay at katiwalian ay susi ng pagpapanatili ng malinis na administrasyon ng Singapore.
Salin: Vera