Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

U.S. CDC: Zika, sanhi ng microcephaly, ibang birth defects

(GMT+08:00) 2016-04-14 13:43:37       CRI

Washington D.C--Narating ng mga siyentista mula sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang konklusyon nitong Miyerkules, Abril 13, 2016, na ang Zika virus ay isang sanhi ng microcephaly at ibang malulubhang depekto sa utak ng mga sanggol.

Ayon sa pahayag ng U.S. CDC, narating ang nasabing konkluksyon pagkaraan ng maselang pagsusuri sa kasalukuyang ebidensya, gamit ang pinagtibay na pamantayang siyentipiko.

Turning point at ibayo pang pananaliksik sa Zika virus

Sinabi ni Tom Frieden, Director ng U.S. CDC, na malinaw na ngayon na nagreresulta sa microcephaly ang Zika virus. Inilarawan niya ito bilang "turning point" sa pag-aaral sa virus.

Idinagdag pa ni Frieden na magsasagawa sila ng ibayo pang pananaliksik para malaman kung ang microcephaly ay "tip of the iceberg" lamang ng mga nakakapinsalang epekto sa utak at ibang development problems ng mga sanggol.

Batay sa nasabing konklusyon, na inilathala sa New England Journal of Medicine, ang babaeng buntis na nahawaan ng Zika virus ay may pinalaking panganib na magsilang ng sanggol na may nasabing mga problemang pangkalusugan. Pero, hindi ito nangangahulugang ang lahat ng mga babae na may Zika virus infection habang nagbubuntis ay magsisilang ng sanggol na may problema.

Ang Zika virus ay nakukuha ng tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes species mosquito, lamok na nagpapalaganap din ng chikungunya at dengue.

Kabilang sa mga sintomas ng Zika infection ay lagnat, pamamantal, pananakit ng kasukasuan paint at namumulang mata. Pero, kadalasan hindi ito nangangailangan ng pagkaospital, at mababa rin ang insidente ng kamatayan.

Sa kasalukuyan, wala pang bakuna o gamot para sa Zika virus. Ayon sa pahayag ng World Health Organization (WHO) nitong nagdaang Pebrero, inaasahang ilalabas ang Zika vaccines sa loob 18 buwan.

Angela Martinez, habang naglalaro, kasama ang kanyang apat-na-buwang anak na babae na si Dominic Andrade (kanan), na dinapuan ng microcephaly sa Quito, kabisera ng Ecuador. Kinakailangan ni Dominic Andrade ang habang-buhay na pagpapagamot dahil sa sakit na ito. (Xinhua file photo/Santiago Armas, Feb. 27, 2016)

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>