Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas ng Tsina, kinatagpo ng Sultan ng Brunei

(GMT+08:00) 2016-04-22 09:40:18       CRI

Sa pakikipag-usap sa Bandar Seri Begawan, Brunei, nitong Huwebes, Abril 21, 2016 kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ipinahayag ni Sultan Hassanal Bolkiah na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang palakasin ang pagtitiwalaan, at pasulungin ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan, upang mapasulong ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. At ito aniya'y makakatulong sa magkasamang pangangalaga sa katatagan ng South China Sea. Dagdag pa ng Sultan, positibo ang Brunei sa patakarang isang Tsina.

Ipinahayag naman ni Wang Yi na positibo ang Tsina sa mataas na pakikipagpalitan sa Brunei. Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Bunei para maisakatuparan ang ugnayan sa pagitan ng "Belt and Road Initiative" ng Tsina at estratehiyang pangkaunlaran ng Brunei. Ito aniya ay upang mapasulong ang pagtutulungan ng dalawang panig sa enerhiya, imprastruktura, kultura, edukasyon, kalusugan, turismo at iba pa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>