Nag-usap nitong Linggo, Abril 24, 2016, sa Hannover sa dakong Hilaga ng Alemanya, sina Chancellor Angela Merkel ng bansang ito at Pangulong Barack Obama ng Amerika para talakayin ang kalagayan ng Syria at pagsasaayos ng mga refugee ng bansang ito.
Inulit ng dalawang panig na dapat lutasin ang isyu ng Syria sa paraang pulitikal. Sinabi ni Merkel na dapat ipagpatuloy ang proseso ng talasatasang pangkapayapaan ng Syria sa Geneva.
Pero hindi narating ng dalawang lider ang pagkakaisang posisyon hinggil sa pagsasaayos ng mga refugees mula sa nasabing bansa.
Nauna rito, ipinahayag ni Merkel na itatayo ang mga sonang panseguridad sa hanggahan ng Syria at Turkey para isaayos ang pamumuhay ng naturang mga refugee.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Obama na mula sa anggulo ng aktuwal na pagsasakatuparan, ang pagtatayo ng mga sonang panseguridad ay may kinalaman sa mga isyu na gaya ng pagde-deploy ng mga sundalo at pagsusuperbisa sa mga refugees. Dagdag pa niya, ito'y di-maisasakatuparan.