|
||||||||
|
||
Apat na pelikula ng Pilipinas ang kasalukuyang nakatanghal sa Nanyang (Southeast Asia) Film Festival sa Xiamen, Fujian Province sa dakong timog ng Tsina.
Kabilang sa mga pelikula ay Bamboo Flowers, Sonata, Anac Ti Pating, at Ang Babae sa Likod ng Mambabatok. Mapapanood ang mga ito sa Xiamen University at Jimei University.
Ang Film Festival na binuksan nitong Sabado, Abril 22, 2016 ay bahagi ng Ika-5 Nanyang Culture Festival.
Nakatanghal din sa festival ang limang pelikula mula sa Indonesia, Singapore, Thailand at Indonesia.
Ulat: Lele/Jade
Photographer: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |